This is the life of a ROKSTARR. Enjoy reading! \m/^_^\m/

Friday, January 8, 2010

Sinubukan ko lang........

[This is a blog post for encouragement, not a reflection to my experiences. ^_^]

Para sa aking pinakaunang blog ay nais kong bigyan-pansin itong mga taong ibinibilang ang kanilang mga sarili sa kilalang-kilala nang grupo ng mga nilalang na ang tawag ay mga EMO... yung mga madalas pa din magdrama sa mga GM nila, o kaya naman sa mga status message sa YM at mga posts sa Facebook... Woii, 2010 na! Mabuhayan na sana sila ng mga positibong pananaw sa buhay ngayong taon!

Hmmm... eh bakit nga ba kasi nag-eemo ang mga emong ito? Ito ba'y dahil sa mga kabiguang kanilang nararanasan buhat sa mga pumalyang marka sa paaralan, o maging sa pag-ibig pa iyan, at pakiramdam nila'y pasan na nila ang lahat ng mabibigat sa mundo na iniisip na lamang nila na tila mahirap na muli ituwid ang kanilang nakatiklop nang mga binti, tumayo muli at harapin ang buhay?

Nais kong ipaalam sa kanila na... iyang mga problema na iyan na hindi maiiwasan ninuman na dalhin dito sa mundo, ngayon lang iyan magiging problema. Bukas ay hindi na iyan problema. Bakit? Kasi... nagkaroon na ng solusyon ang problemang iyon eh. Ganun yun, at wala sila kailanman na magiging problema sa mundo na habang buhay nilang dadalhin bilang isang problema. Maaari nga lang talaga na matagal nila itong dadalhin, ngunit hindi kailanman ito magiging panghabang buhay.

At hindi kailanman solusyon sa problema ang pagpapakamatay, kung saan pinakakilala ang mga emong ito. Nang dahil lamang sa isang problema ay tatapusin na lamang nila ang kanilang buhay na minsan lamang nila matitikman at magagamit? Sana malaman nila na... Ang sarap mabuhay. Tandaan sana nila iyan.

At kung hindi parin sapat sa kanila na rason iyan para ipagpatuloy ang buhay, isipin na lang nila...... ang mga taong nasa paligid nila na nagmamahal sa kanila kapag sila ay nawala sa buhay ng mga taong ito...... Ang mga taong ito ang tiyak na masasaktan at magluluksa kapag sila ay nawala sa mundong ito. Walang nagmamahal sa kanila? Imposible iyon. Maaaring sila lang ang nag-iisip niyan, ngunit hindi lang nila siguro napapansin... May mga taong sinusubaybayan sila palagi, nag-aalala at nagmamalasakit sa kanila. Malay ba nila na mayroon pala silang napapasaya na iba kahit sa pinakasimpleng bagay lamang na kanilang ginagawa. Makita lamang sa kanila ang mga ngiti sa labi ay napapangiti na rin pala nila ang mga ibang tao na nasa paligid nila...

Hmmm... maaari naman nilang sabihin sa akin na baka naman kasi ako, walang pinoproblema na kahit na ano ngayon. Hindi... napakarami ko ring mga inaalala ngayon sa buhay. Ngunit bakit sa kabila noon ay nananatili pa rin sa akin itong positibo kong pananaw sa buhay? Kasi, meron akong inspirasyon para mabuhay. At iyon... ang aking mga pangarap sa buhay. Itong mga emo na ito na tila wala nang natatanaw na liwanag sa hinaharap... Bakit hindi nila subukan na umisip ng isang bagay na tunay na makapagpapasaya sa kanila na siyang gugustuhin nila talagang makamit, at hinding-hindi nila hahayaan na sila ay mawala sa mundong ito nang hindi nila iyon nakakamit? Hanapin sana nila kung ano yung partikular na bagay na iyon, at iyon ang magsisilbing ilaw sa kanila na magbibigay-liwanag sa kanilang mga saradong pag-iisip ukol sa buhay...

Lahat ng pangarap ay natutupad... basta't kanilang pagsisikapan na matupad iyon, at matiyaga silang maghihintay hanggang sa ang bagay na iyon ay mangyari. Higit sa lahat, lakipan nila ng pag-asa sa Panginoong Diyos. At huwag na huwag susuko, siyempre!

Haay... sana naman... wala nang mga emo sa mundo. Kung pwede lang sana na lahat ng tao ay... masaya sa buhay na ito talaga. Sana.... itong blog kong ito ay nakatulong sa kanila sa kahit anong paraan. Nagmamalasakit lang naman kasi ako sa kanila eh, kasi masyado akong naapektuhan sa mga pagdradrama nila na kanila namang ibinabahagi sa iba. Wish ko lang... na dumating din ang araw na... wala na akong matatanggap na anumang quotes o GM na sobrang madrama at pang-emo... Sana mahanap na nila agad yung bagay na magpapabago sa takbo ng kanilan mga buhay bilang mga emo ngayon.

Oo... "Sinubukan ko lang" dito na bumuo ng isang blogpost sa site na ito. Pero ang "sinubukan ko lang" talaga... itong bumuo ng ganitong klase ng blog na tunay na makapupukaw sa damdamin ng mga mambabasa nito...........

1 comment:

confuzzled idiot said...

Sht. Tagalog. Lmao. I miss you. :)